May mga panahon na ang pag-iwas

ang siyang pinaka-maiging solusyon

sa mga relasyon na nagpabaya.

Marupok ang pundasyon at alang-alang

sa marami pang konsiderasyon

Kailangan maging matatag.

Hindi mo sila kaaway.

Hindi mo rin sila kakampi.

Sadyang kayo’y magkaiba

ng pananaw at ideya.

Kaya’t ┬ámahalaga na marami

ang iyong tinuturing na tahanan.

Kung saan ang iyong loob ay panatag.

Ang iyong puso ay namumulaklak.

Ang iyong kaluluwa ay nag-gigitara.

Pero pag lumabas ka sa mundo

Kung saan sila din ay nandun din

Wag kang papansin. Dumaan ka lang.

Kilalanin mo sila. Pero ipagpatuloy

ang iyong pagtawid. Hanggang makarating

doon sa isa mo pang tahanan

Kung saan ang iyong loob ay panatag.

Ang iyong puso ay namumulaklak.

Ang iyong kaluluwa ay nag-gigitara.