Pagkalipas ng kalituhan
at mga tulang di maintindihan

Sana tayo ay
manatili sa
katotohanan

na ang tadhana ay mapaglaro
na ang tao’y mapagbiro
na ang puso’y nalalasing
at ang isip hindi laging gising

Kung kaya’t patawarin
mga pagkukulang at paglilinlang

at tuluyang usisain
kilalanin ng malalim

ang sariling hindi kaila
sa katawang mapagnasa
ang sariling naghahangad
ng haplos ng pag-unawa

Nang sa gabi’y
makatulog ng mahimbing.

kahit na di ka kapiling.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s